Alam Mo Ba?
Ikaw sa tuwina’y naiisip,
Ikaw ang siyang laman ng dibdib,
Ang alaala mo sa akin’y nagpapangiti,
Ikaw ang sa akin’y nagpapasayang palagi.
Ewan ko ngunit tila ikaw ay mahal na,
Gusto kong palagi kitang nakikita,
Palagay ang loob ko sa piling mo, sinta.
Ikaw lang ang hinihintay, alam mo ba?
Sana marinig mula sa labi mo,
Ang matatamis na kataga ng pag-ibig mo,
Sapagkat ganoon ang damdamin ko sa iyo.
Pagod na ako sa mga lihim na sulyap,
Sawa na ako sa pawing ngitian lang,
Hanggang tuksuhan na lang ba?
Kaibigan na nga lang ba ako talaga?
Ako nga ay napagod na,
Tumigil sa paghihintay at pag-asam,
Tama lang pala ang naging pasya ko,
Pagkat nabatid kong may iba na sa puso mo.
Nakontento na lang akong ganito tayo,
Magkaibigan at hindi ka-ibigan,
Masaya rin naman ang ganito,
Kahit na ako’y nasasaktan.
Ngunit ano itong nakikita ko?
Ano itong nararamdaman ko?
Bakit mas naging malapit tayo sa isa’t isa,
At mas naging malambing ka pa?
Nalaman kong hiwalay na kayo..
May balak ka bang ligawan ako?
Iba na kasi ang mga titig mo,
Naninibago rin ako sa mga kilos mo.
Sa tagal n gating pagkakaibigan,
Ngayon mo lang sinabing maganda ako,
Dinulutan ng pagkain sa plato,
At sumungaw ang paghanga sa mga mata mo.
Ngayon ba ay mahal mo na ako?
O pinaglalaruan mo lang ang damdamin ko?
Pakiusap! Itigil mo na ‘to!
Baka mabaliw ako nang dahil sa iyo!
Pakiusap kung wala kang damdamin,
Huwag mo na lang akong paasahin!
Baka mabuhay muli ang damdamin ko para sa iyo,
Sa huli’y malasap ang kabiguan sa pag-ibig mo..
- eyeng
No comments:
Post a Comment