Thursday, March 11, 2010

in LoVe na yAta ako

Alam Mo Ba?



Ikaw sa tuwina’y naiisip,

Ikaw ang siyang laman ng dibdib,

Ang alaala mo sa akin’y nagpapangiti,

Ikaw ang sa akin’y nagpapasayang palagi.



Ewan ko ngunit tila ikaw ay mahal na,

Gusto kong palagi kitang nakikita,

Palagay ang loob ko sa piling mo, sinta.



Ikaw lang ang hinihintay, alam mo ba?

Sana marinig mula sa labi mo,

Ang matatamis na kataga ng pag-ibig mo,

Sapagkat ganoon ang damdamin ko sa iyo.



Pagod na ako sa mga lihim na sulyap,

Sawa na ako sa pawing ngitian lang,

Hanggang tuksuhan na lang ba?

Kaibigan na nga lang ba ako talaga?



Ako nga ay napagod na,

Tumigil sa paghihintay at pag-asam,

Tama lang pala ang naging pasya ko,

Pagkat nabatid kong may iba na sa puso mo.



Nakontento na lang akong ganito tayo,

Magkaibigan at hindi ka-ibigan,

Masaya rin naman ang ganito,

Kahit na ako’y nasasaktan.



Ngunit ano itong nakikita ko?

Ano itong nararamdaman ko?

Bakit mas naging malapit tayo sa isa’t isa,

At mas naging malambing ka pa?



Nalaman kong hiwalay na kayo..

May balak ka bang ligawan ako?

Iba na kasi ang mga titig mo,

Naninibago rin ako sa mga kilos mo.



Sa tagal n gating pagkakaibigan,

Ngayon mo lang sinabing maganda ako,

Dinulutan ng pagkain sa plato,

At sumungaw ang paghanga sa mga mata mo.



Ngayon ba ay mahal mo na ako?

O pinaglalaruan mo lang ang damdamin ko?

Pakiusap! Itigil mo na ‘to!

Baka mabaliw ako nang dahil sa iyo!



Pakiusap kung wala kang damdamin,

Huwag mo na lang akong paasahin!

Baka mabuhay muli ang damdamin ko para sa iyo,

Sa huli’y malasap ang kabiguan sa pag-ibig mo..





- eyeng




Monday, March 8, 2010

my poEms defines wHo i Am

Kumot

Sa lamig ng gabi,
Ikaw ang katabi,
Binibigyan mo ng init
Ang katawan kong nanginginig.


Sa akin ikaw ay mahalaga…
Hindi kakayanin ang gabing wala ka…
Kumot ka nga lang ba?
O kamay ng isang ina?


Sa gabi, ikaw ay kaniig,
Sa umaga, ikaw’y isang duyan,
Tila nasa bisig ng isang ina,
Ang batang nasa kandungan.



Sa lalim ng gabi
Higit pa sa init ang idinudulot mo,
Sa aking balintataw,
Binubuhay mo ang irog ko.


Hindi ka basta bagay lang,
Gabi kapag wala ka ay kulang,
Tila hungkag ang pakiramdam,
Sa tuwinang hindi ka mahawakan.



                                               -eyeng


 
Ako’y Umaasa





O, pag-ibig kay sarap damhin,

Lalo na kung ito’y lihim,

Ngunit samo ng pusong may pagtingin….

Sana ako’y mapansin mo rin




Sa bawat araw na ako’y gising,

Sa bawat oras ng pag-iisa,

Ikaw lang ang hanap ng aking mga mata,

Ang tanging pangarap ko sa tuwina.
 

Ipamintakasi ka’y gawain ko na,

Ang magbata ay naranasan ko na,

Ngunit ayaw ko na sanang ilihim pa,

Mahal talaga kita noon pa..


Maaaring hindi pa takdang panahon,

Maaaring hindi pa pwede ngayon,

Ako’y umaasa hindi man bukas,

Tayong dalawa’y magmamahalang wagas..


                                          -eyeng